Thursday, March 13, 2014

Lancaster Cavite Profriends Buyer's Problem


         Nagpareserve kami noong April 2011 for "Diana" model house (Arden pa that time ang name) -  townhouse, before our wedding.

DIANA model house

         Maeengganyo ka talaga sa ganda ng model houses nila at sa plan nila for the community, sa tulad ko na laki sa Manila at sa sanay sa gulo nito, maganda lugar na ito to start a family.

         On our second visit in Leighton Hall by june 2011, nakita namin na may bago silang mga model houses na pasok naman sa budget kaya nagdecide kaming magtransfer sa  single house yung sophie model. Mas gusto namin ang single unit house, kaso ayaw namin ng coleen model that time.

SOPHIE MODEL HOUSE

          Pina-abangan ko na sa agent ko ang availability ng mga units, gusto kasi namin yung may linear park at gaya ng mga ibang developer hindi isang buhos binebenta ang buong phase and that time Somerset 3 and Somerset 4 ang binebenta. Every friday is profriends' inventory day. Na kay agent ang 3k for transfer ko at ako nman ay nasa Manda Office para magtransfer maginquire ng available units, most of the units na open that time eh yung mga unit na nasa perimeter wall ng phase. Dahil gust nga namin eh may linear park, that time corner lot at itong SS4 0821 ang inalok sa amin ng customer service. 

SOMERSET PHASE 4 MAP

Nung nakita namin yung map, magkadikit yung 2 houses. Tinanong ko ang customer service "Duplex yan eh ayoko yan" ang sabi nya "Mam wala po kaming "Duplex" na binebenta single at townhouse lang po, for sure po may pagitan ang dalawang bahay." He further added "yung map namn ma'am eh para malaman kung saan nakapwesto ang bahay sa phase kung phasing east". With that assurance nagtransfer kami sa SS4 blk 08 lot 21. 

June 25, 2011 - Pumunta unit ako sa Profriends Mandaluyong Office para ipasa ang new contract to sell. Again nag-ask ulit ako kung Duplex ang house, ang sabi hindi daw single daw ang "sophie model"

July 17, 2011 - Imus Cavite Branch - Together with my officemate, nag-attend kami ng Counseling with Ms. Jhoan. Ang sabi don if bank financing eh on the 13th month maturn-over ang house and if In-house finacing eh 16th-19th month bago maturn-over (Bank Finacing kami). I also ask her about sa house baka duplex, the same lang ang sabi nya "wala p kaming duplex house may space po between two houses". Kaya ayon nakampante na ako.

Nung natapos namin ang downpayment ng june 2012,  12 months after tranfer so expected namin next month gawa na ang bahay. Nagtanong ako ng status ng bahay, zero percent construction. Ok lang di nman kami nagmamadaling magkabahay. 

From October 2012 to Feb 2013 - monthly akong tumatawag for status of out house, hindi pa rin daw tapos ang bahay, DELAY na sila.

March 2013 nung bigyan kami ng Certificate of Inspection pero April 26, 2013 pa ang sked namin. Nanghingi ako ng blue print pero ang sabi engineer daw ang makakasama namin mag-inspect at may hawak yong blue print.

April 26, 2013, 10am ang sked namin pero 9am andon na kami sa Leighton Hall. Nagutom na ako at lahat wala pa raw yung makakasama namin mag-inspect antay lang daw. Past 2 pm na kami nadala sa site. May mga kasama kami sa sasakyan, from SS3 and KS1. Unang pinuntahan yung SS3 at nagulat ako sa nakita ko, 2nd inspection na nung guy at DUPLEX ang house nya, kinabahan na ako baka ganito rin ang bahay namin. Next na pinuntahan eh yung sa amin sa SS4, tama nga ang kaba ko "DUPLEX" ang house namin, tinanong kami nung mga kasabay namin kung alam ba naming duplex ang bahay namin sabi namin hindi namin alam. Dismayadong dismayado kami sa bahay. Lumipat kami sa single para wala kaming kadikit, precast ang gawa ng profriends at 4 inches lang ang wall, ayaw namin na rinig namin ang ingay ng kapit-bahay. Bakit pa kami lumipat sa sophie kung duplex rin lang, wala nman pagkakaiba ang price ng duplex at single na sophie model. Note hindi engineer ang kasama namin mag-inspect kundi move-in officer at wala cyang dalang blue print.

SS4 blk 08 lot 21
Ito na ang simula ng KALBARYO namin sa developer na ito!!!

April 29, 2013 - Pumunta ako sa Manda office para ireklamo na DUPLEX ang house ko, pero ang masasabi lang nila via Rhona eh "Ma'am yan po ang nasa mapa". Lahat ng nakarinig na katabi naming buyers and also other customer service officers eh nagulat na may duplex na binebenta ang profriends. Doon ko nakita na may pagkukulang ang management, hindi alam ng mga tao na may ganong unit. I ask na lang for blue print pero 3 weeks daw sila bago makakapagbigay, grabe piniprint lang yon tapos 3 weeks. I ask her na bigyan ako ng written remedy para sa case namin from management.

We coordinate kay bank na ihold ang processing ng housing loan namin.

May 4, 2013 - Bumalik ulit kami sa profriends Manda office para sa written remedy, pero walang binigay sa amin panay verbal lang. They give us option to transfer unit but prevailing price (price of 2013). Ano kami bale, 200k na ang itinaas ng price nyo from 2011. We just give them "Purchase Cancellation with Full Payment Refund", we also ask for License to sell for SS4 at ang binigay nga sa amin eh Certification na may pending application sila for License with HLURB. 


May 27, 2013 - Back to Manda Office, we ask for result of the refund, dis-approve daw sabi ng management. Irere-appeal daw ang request sa management. Di daw magrant ang refund kasi narelease na daw ang loan, eh prior non eh nakausap ko ang bank na ihold ang processing at ang sabi ni bank hindi naman daw talaga maprocess kasi kulang pa sa docs si PFI, wala pa daw license to sell from HLURB.


July 6, 2013 - Nag-email ang customer service na dis-approved ang refund nmin.

We seek help from HLURB:
August 30, 2013 - First Conciliation Conference under Conciliator Villaneuva. Dumating si Ms. Joan Ani/Saligan, ni wala man lang dalang letter from HLURB at ni hindi alam ang case namin. Binigay ko na lang yung mga pwede naming pagpilian: Note: Joan Ani ang nilagay nyang name sa doc.
 a. Full payment refund
b. change of unit but june 2011 price
c. same unit but deduction of price
Niresked anf meeting ng Sep 19, 2013

Sep 19, 2013 - 2nd Conciliation Conference - 10am ang meeting, dumating si Joan ng 11am at ang excuse eh 11am daw ang alam nyan sked namin. Sabi nya following week pa daw ang sked nyang meeting with management regarding my case. Ang usapan na lang eh bibigyan nya kami ng written decision ng management. Set ulit ng Oct 10 ang next meeting. Biligay ni Joan ang number nya at ang full name nya na Joan Saligan - sinungaling na babae.

Oct 10, 2013 - 3th Concilation - Dumating ang lola mo na walang written decision at verbal lang lahat. wala daw ni isa sa mga choices ko ang inaprubahan. Hindi ko alam kung galing ba sa management talag yon or tamad lang ang babaeng ito, wala daw binigay na written decision ang management.

LESSON: wag na kayong magpa conciliation conference sa Profriends kasi sasayangin lang ang oras nyo nila dahil di rin sila makikipagreconcile sa inyo.

Oct 11, 2013 - Nagkaroon ng License to sell ang Profriends fro Somerset 4, so from 2011 to Sep 2013 nagbebenta sila ng bahay ng walang license. (We have the docs to support this).

Nov 06, 2013 - With my friend naging DUPLEX din ang house, we ask for refund. marami na kaming nakakausap na ibang buyer kaya dinala kami sa conference room - Ganito ang ginagawa sa mga buyer's na nakikipag-usap sa ibang buyer's sa Manda office about sa problema nila, inilalagay sa confeence room. Nagrant yung refund ny friend kasi daw nagbago daw yung nasa map ng phase nya kaya naging duplex ang kanya yung akin daw. Hay kakaloka talaga!!!. 

Nov 15, 2013 Ang inofer na lang sa amin eh change ng unit at gagawin nila ang best nila na reservation price pa rin. Kaya ayon pili nman kami ng unit, that time wala nang available sa SS4 kaya SS10 ang napili ko mas malaki ang lot 106sqm, sign na nman ang new set of docs for the new unit. Then nakareceive kaming email na hindi daw mabibigay ng prevailing price ang SS10 0818 bibigay, hahanap na lang daw nila kami ng unit na reservation date. 

Dec 12, 2013 - Nag-email sila ng new unit sa SS10 0307, yan daw at reservation 1,550,000 ang selling price. Sabi kong accept ko yan if Total Contract price eh 1,550,000 (total contract price = selling price + miscellaneous). Luging lugi nman dyan ang SS4 0821 namin na 101sqm ang selling price eh 1,590,000 tapos ang SS10 0307 eh 80sqm lang.  Email na lang daw nila ang computation ng SS10 0307

Jan 24, 2014 - Ang tagal macompute ng price, 1 month in the making. SS10 0307 selling price is 1,550,000 + misc of 124,000 = total contract price of 1,674,000, kapresyo na ito ng 97sqm nung 2011.  Again hindi ko yan inaccept. I ask for appointment with Ms. Salamanca on Feb 6. 

Feb 6, 2014 - Punta ulit kami sa Manda office, ayaw namin pumayag sa price. Imbes na si Ms. Salamanca na si Mr. Ren ang  nag-assist sa amin kesyo busy daw si Ms. Salamanca. Natatandaan ako ni Ren kasi kaso for the past 6month tumatawag ako almost every friday or saturday for new unit and many times sya ang nakakasagot. Maaga kaming andon para makuha namin agad ang result. Nagkaroon ng open sa SS4 (either nagback-out, nag-upgrade si buyer) so pinahold na namin, na-approve na rin na june 2011 na ang price ng new unit. nakangiti na kaming lumabas sa profriends. Matatapos na rin ang kalbaryo sa developer na ito. To follow na lang ang computation.

Feb 11, 2014 - We receive an email and call from Ren na meron nang computation for new unit at may chinacharge silang "COMMISSION DIFFERENCE" kasi daw narelease na ang full commission kay agent at since bumaba ang kinukuha namin sa amin ichacharge ang commission difference at hindi kami makakatransfer sa new unit without paying this. I emailed Ms. Salamanca about this pero hindi rin na-approve.

Feb 26, 2014 - Go na naman kami sa Manda office pero this time kasama na nmin si agent na hinagilap ko pa. Ayaw pumayag ni agent na narelease na ang full commission na, she needs to reconcile with bank records.  I ask na lang si agent na pumirma na sa kanya na ibabawas ang "commission difference" at pumayag dapat naman daw talaga hindi icharge kay buyer yon kasi labas na kmi don it should be between profriends and the agent/broker. Ngayon alam na namin ang commission rate, hindi dahil nakita ko ang voucher ng agent pero dahil sa chinarge sa amin.

March 11, 2014 - Receive a text and call na dis-approve ang request namin na kay agentibawas ang commission diff.... hay asan ang consideration dito? pumayag na si agent ayaw pa rin ni PFI

Para sa nagbabalak bumili sa #Profriends #Lancater Cavite ito lang masasabi ko:

Kung kaya nyo ng ganitong STRESS at kung naghahanap kayo ng STRESS bumili kayo ng bahay kay profriends!!!


Ano si Profriends - Lancaster:
1. Nagbebent ng bahay kahit wala pang License to Sell at Registration from HLURB
2. Precast po ang bahay, wala pong poste ang bahay
3. Delay po ang turnover ng bahay 3-5yrs in the making (yung RFO is diff case depende kng gawa na ang binibili nyo pero sa inspection kayo magtatagal)
4. Ang inspection sa house eh tumatagal many months, years (depende)
5. Bawal pong magtinda sa loob ng subd
6. Ang assoc dues nila eh kasama sa water bill so maoobliga ka kung may tubig ka na (note: pangit ang tubig sa lancaster)
7. ang Home Owner Assoc ng Lancaster eh hawak ng Propfriends - developer, mga employees nila ang nakaupo dito at yan ay registered sa HLURB (against the law)
8. Contarct nila with buyer eh pabor lang sa kanila, "no refund" , may karpatan silang madelay - another against the law? 
Ganito po ang developer na ito, kayo na po ang magpasya kung tutuloy kayo oh hindi

Ang mga nakasulat dito eh base sa sarili kong experience.

Hindi pa po dito natatapos ang kwento, update ko po kayo




















No comments:

Post a Comment